
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Aug. 29, 2012) – Ikinatuwa ng mga residente ng isang barangay ang mabilis na naging pagtugon ng mga “trouble shooters” ng Zamboanga City Electric Cooperative (ZAMCELCO) sa isang emergency ngayon gabi.
Sa text messages na ipinasa ni Paolo Guirre sa Mindanao Examiner ay sinabi nito na naayos agad ng team ng ZAMCELCO ang pagkawala ng kuryente sa apat na kabahayan sa Barangay Tetuan matapos na sumiklab ang gawad ng kuryente sa isang bubungan ng mga residente doon.
Nakilala naman ang pinuno ng team na si Jun Roales. Maging ang mabilis na pagsagot sa telepono sa tanggapan ng ZAMCELCO ay napuna rin ni Guirre at pinasalamatan nito ang isang empleyado na nakilala lamang sa pangalang Mr. Lipaygo na siyang nag-dispatch ng grupo ni Roales.
“Magaling talaga ang ZAMCELCO ngayon at mabilis ang serbisyo at sana ay ganito rin ang mga ahensya ng pamahalaan at kahit gabi ay tuloy pa rin ang trabaho,” ani Guirre sa kanyang text message.
Ang ZAMCELCO ay nasa pamumuno ngayon ni Charito Mabitazan, ang acting general manager. (Mindanao Examiner)