Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • 1 patay sa pamamaril sa Internet café sa Zambo
  • Uncategorized

1 patay sa pamamaril sa Internet café sa Zambo

Editor September 14, 2014
Stop-2BKillings-2Bin-2BZamboang-2BCOPY-2Bcopy

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang lalaki at sugatan naman ang isa matapos silang pagbabarilin ng di-kilalang salarin sa loob ng Internet café sa Zamboanga City.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril ng suspek si Eddie Francisco sa Barangay Canelar dakong alas 5 ng umaga kamakalawa. Isa pang customer na si Kenny Espinosa ang nahagip ng bala sa kanyang paa, ngunit nakaligtas naman ito sa tiyak na kamatayan.

Mabilis naman tumakas ang salarin kung kaya’t naisugod sa pagamutan si Eddie ngunit patay na ito ng dumating doon. Sinabi ni Kenny na bigla na lamang dumating ang salarin at saka pinuntirya si Eddie at ilang beses umano itong pinaputukan ng baril.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaril at sa imbestigasyon ng pulisya ay posibleng may kinalaman sa away ang krimen.

Talamak ang patayan sa Zamboang City dahil sa naglipanang mga hired killers na siyang nasa likod ng mga pamamaril, subali’t kung tatanungin ang pulisya sa mga insidente ng pamamaslang ay pulos “isolated cases” o “personal grudge” ang tanging katwiran nito.(Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Safety of Chinese citizens in Philippines assured
Next: Tibo, natigok sa sobrang kalasingan

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.