Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • 2 bulagta sa drug ops
  • Featured
  • Mindanao Post
  • National

2 bulagta sa drug ops

Desk Editor September 11, 2018

NORTH COTABATO — Dalawang umano’y ‘tulak’ ng droga ang nasawi matapos na kumasa sa inilatag na anti-drug operations ng mga otoridad sa Barangay Minapan sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng mga suspek na kinilalang sina Elay Absalon Alias Eli at ang pinsan nitong si Agi Samoy.

Isinagawa ang pagsisilbi ng search warrant sa mga suspek, alas-8:00 ng gabi, nitong Lunes kungsaan ito ay pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit o RPDEU.

Bibit ng raiding team ang 5 search warrant na may kinalaman sa ilegal na droga at pagtatago umano ng armas at explosibo ng suspek.

Pero bago pa man nakapasok ang team ay una umanong nagpaputok ng kanyang armas ang suspek dahilan para gumanti ang PNP at tinamaan ang suspek.

Agad na dinala sa ospital ang dalawa pero hindi na umabot ng buhay.

Nakuha mula sa bahay ng suspek ang isang caliber 45 pistol, isang 38 revolver, isang 38 caliber FCC  at siyam na 9MM at ang klase-klaseng mga bala.

Bukod sa armas ay naka kuha rin ng 8 mga sachet ng ilegal na droga at mga drug paraphernalia.

Kasama ring hinalughog ng raiding team ang isang Isuzu DMAX Pick-Up Truck na may plakang LGJ 381 na pag-aari ng suspek at dito ay nakakuha ng dagdag na dalawang sachet ng shabu at isa pang .45 caliber pistol mga bala nito at ang isang Hand grenade.

Si Elay ay kabilang sa Narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte at high value target ng PNP 12. Rhoderick Beñez, MArk Anthony Tayco and Randy Patches!

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Dahil sa isang sako ng palay, Kuya binaril ang kapatid!
Next: Special voters registration for Bangsamoro plebiscite begins

Related News

PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2
  • Health
  • National

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

Desk Editor May 9, 2025
Philippines_Poverty_Mel_Hattie
  • National

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

Desk Editor May 9, 2025
Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines
  • Business
  • National

PH to become $2-T economy by 2050

Desk Editor May 8, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.