BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Ilang mga empleyado ng city LGU ng Kidapawan, benepisyaryo ng P2 Milyung project ng DA
September 11, 2018
2 bulagta sa drug ops
September 11, 2018
Show all

Dahil sa isang sako ng palay, Kuya binaril ang kapatid!

M’LANG, North Cotabato — Sa ospital ang bagsak ng isang 43-anyos na lalaki matapos na barilin ng kanyang kuya dahil lamang sa isang sako ng palay, naganap angkrimen sa Purok 3, Barangay Bialong sa bayan ng Mlang, North Cotabato.

Ang biktima ay ang nakababatang kapatid na si Danny Superticioso Platon, 43 anyos habang ang suspek naman ay ang kanyang kuya na si  Pepito Superticioso Platon 47 anyos na kapwa residente ng nabanggit na lugar

Ayon sa report ay buhat umano ng biktimang si Danny ang isang sako ng palay kasama ang isa pang kapatid nito.

Pero bago ito ay una na silang sinita ng nakakatandang kapatid na si Pepito na huwag kunin ang palay dahil hindi ito sa kanila.

Sa kabila nito ay kinuha pa rin ng biktima ang palay at biglang nilapitan ang nakakatandang kapatid at pinagsusuntok.

Kumuha ng kahoy si Danny na akma sanang ihahampas kay Pepito pero una na itong bumunot ng armas at binaril ang kapatid na si Danny, dakong ala una nghapon, nitong Lunes.

Agad namang tumakas si Pepito pero naaresto rin ito ng PNP matapos ang pursuit operation. Sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital si Danny dahil sa tinamo nitong sugat. Rhoderick Beñez with report from Mark Anthony Tayco

 

3,123 total views, 0 views today