BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Rebelde nalambat sa Davao City
August 23, 2015
Police office attacked in Tacurong City
August 24, 2015
Show all

2 Muslim niratrat, patay!

ZAMBOANGA CITY – Niratrat kaninang hapon ng mga armado ang dalawang Muslim sa bayan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu, ngunit blangko pa rin ang kapulisan sa motibo ng krimen.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina Allison Undug at Frazer Undug at tadtad umano ng bala ang katawan ng dalawa matapos silang tambangan sa Barangay Kajatian.

Hindi naman sinabi ng pulisya kung magkaano-ano ang mga biktima, subali’t parehong kasal ang mga ito. Nabawi sa lugar ang mahigit sa isang dosenang basyo ng .45-caliber pistol na ginamit ng mga salarin.

Patuloy ang imbestigasyon sa pamamaslang na naganap dakong 1.30 ng hapon. Wala naman gustong magsalita sa naturang barangay kung ano ang kanilang nakita o narinig, subali’t kilalang kuta ng Abu Sayyaf ang bayan ng Indanan.

Matatandaang sa nasabing bayan rin nagkasagupaan ang militar at Abu Sayyaf kamakailan na kung saan ay nailigtas ang dalawang Coast Guard na bihag ng rebeldeng grupo. Umabot sa 15 ang nasawi sa panig ng Abu Sayyaf at 7 sundalo naman ang sugatan sa naturang rescue mission.  (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News

702 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer