BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates

3 katao niratrat sa Zambo Sur

Radyo Mindanao February 12, 2018
February 12, 2018
ARMM athletic meet opens; young athletes express confidence
February 13, 2018
Show all

3 katao niratrat sa Zambo Sur

PAGADIAN CITY – Tatlong katao ang sugatan matapos silang ratratin ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa bayan ng Dumingag sa Zamboanga del Sur sa Mindanao.

Sinabi ng pulisya na patuloy ang imbestigasyon sa kaso at paghahanap sa mga salarin. Nakilala naman ang mga biktima na sina Raffy Zisa at mag-asawang Isagani, 52, at Geraldine Balili, 46. Lahat ay residente ng nasabing bayan.

Nabatid na sakay ang mga biktima ng truck na may lulang mga bamboo sala set ng mag-asawa ng biglang sumulpot ang mga kriminal at saka pinagbabaril ang driver na si Raffy. Naganap ang krimen nitong Linggo lamang.

Tumagos pa umano ang mga bala sa hita ni Raffy kung kaya’t nahagip ang mag-asawa, ayon sa pulisya. Hinihinalang target ng mga salarin ang driver dahil ito umano ang niratrat ng husto ng mga kriminal.

Naisugod naman sa pagamutan ang mga biktima matapos na tumakas ang mga salarin. Naganap ang atake malapit sa bahay ng mag-asawa. Nabawi naman sa lugar ng krimen ang 6 basyo ng bala mula .45-kalibre pistol. Hindi pa makunan ng pahayag ang mga biktima dahil sa tinamong mga sugat. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

218 total views, 0 views today

Comments are closed.