NORTH COTABATO — Pito katao ang naiulat na nasugatan makaraang sumabog ang pinaghihinalaang improvised explosive device o IED na itinanim sa ilalim ng upuan ng isang karenderya sa panulukan ng Makar ng Barangay Apopong, General Santos City, linggo ng umaga.
Ayon kay Superintendent Aldrin Gonzalez, tagapagsalita ng Police Regional Office-12, isa sa mga sugatan ang malubha ang kalagayan, matapos na sumabog ang bomba bandang alas-11:45 ng umaga.
Ayun sa isang testigo, iniwan ang brown bag sa upuan ng isang karenderya ng dalawang kalalakihan na sakay ng single motorcycle.
Isang nakaparadang van ang kaagad na nagpasakay sa pitong sugatan sa ospital na sina: Marlon Orabia, 30 yrs old, Apopong,; Jery Guyos, 19 yrs old, Polomolok; Joana Bles Alipio, 3 yrs old. Polomolok; Filipa Regidor, 64, Polomolok; Lally Jean Alipio, 34 y.o, Polomolok; John Lenon calang, 22 y.o, Sultan Kudarat at Claire Uozola, 24-anyos ng Sultan Kudarat.
Sa hiwalay na impormasiyon mula kay Police Region-12 Director Eliseo Tam Rasco na sa unang impression, isang IED ang sumabog subalit patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan para kumpirmahin ito.
Hinikayat naman ni Rasco ang mga mamamayan na maging mapagmatyag sa kanilang paligid.
Ang IED ay naglalaman ng mga pako at ilang mge metal fragments at mga matutulis na bagay.
Ang pagsabog sa Gensan ay pangatlong pambobomba sa South Central Mindanao kasunod ng nangyaring magkahiwalay na pagsabog noong Agosto 28 at September 2 sa Isulan, ang kabesirang bayan ng Sultan Kudarat na nag-iwan ng lima katao ang patay at mahigit sa 40 ang sugatan. (Rhoderick Beñez)