
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Aug. 11, 2014) – Isang cock handler o gaffer ang binaril sa Zamboanga City ng hindi pa nakikilang lalaki ilang minuto matapos itong lumabas sa sabungan.
Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang nasa likod ng pamamaril kay Owen Malik, 34, na sinasabing gaffer o taga-lagay ng tari sa mga manok ni Jerry Wee.
Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaril o kung may kinalaman ba ito sa sabung kamakalawa ng gabi sa Barangay San Roque. Naisugod naman sa pagamutan si Malik matapos na tumakas ang salarin.
Ayon sa pulisya, naghihintay ng sasakyan si Malik ng ito ay lapitan ng salarin at saka binaril. (Mindanao Examiner)