
Hindi pa mabatid kung ano ang pinagmulan ng pagsabog na naganap sa di-kalayuan sa Barangay Kitango sa katabing bayan ng Datu Saudi Ampatuan na kung saan ay pinaligiran ng mga sundalo at tangke ang puwesto ng BIFF.
Tinatayang aabot sa 200 ang bilang ng BIFF na nasa lugar. Hindi pa malinaw kung nasa area ang teroristang si Basit Usman na kasamahan naman ng napaslang na Jemaah Islamiya leader Zulkifli bin Hir na napatay ng Special Action Force commandos kamakailan sa bayan ng Mamasapano.
Nasa lugar ang matataas na opisyal ng 6thInfantry Division at nakatutok sa operasyon. Alam rin umano ng Moro Islamic Liberation Front na may peace agreement sa pamahalaan.ang naturang operasyon kontra BIFF.
Ang opensiba ay upang pigilan ang balak ng BIFF na magpasabog ng mga bomba sa ibat-ibang lugar sa Central Mindanao matapos ng madugong sagupaan kamakailan na kung saan ay 44 ang nasawing SAF commandos.
Hindi pa makunan ng pahayag ang mga opisyal ukol sa tension sa Datu Odin Sinsuat dahil sa kritikal na sitwasyon. (Mindanao Examiner)
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News