DAVAO CITY – Hawak ngayon ng mga awtoridad sa Davao City ang isang liaison officer ng rebeldeng New People’s Army matapos itong madakip sa isang checkpoint ng pinagsanib na militar at pulisya sa Toril District.
Sinabi ngayon ni Army Captain Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, naharang umano ng mga awtoridad si John Omega Nebris sa Barangay Sirawan matapos na makatanggap ng impormasyon na daraan ito doon Sabado ng gabi. Si Nebris ang siya umanong liaison officer nf Southern Mindanao Regional Committee.
Nabawi kay Nebris ang isang .45-caliber pistol, isang fragmentation grenade at 3 cell phones, kabilang ang 13 SIM cards at P5,000 cash. “He is knowledgeable of the activities of the NPA and the Communist Party of the Philippines in the region,” ani Caber.
Kasalukuyang nasa interogasyon ngayon si Nebris habang inihahanda na ang kaso laban sa kanya. Wala naman pahayag ang NPA ukol sa pagkakadakip kay Nebris. Ilang dekada na rin nakikipaglaban ang NPA upang maitatag ang sariling estado sa bansa. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News