PAGADIAN CITY – Isang lalaki na umano’y wanted sa salang pagpatay ang natagpuang lumulutang sa tabing-baybayin sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur province.
Ayon sa pulisya, nadiskubre kamakalawa ang bangkay ni Broki Badar – na tubong Sultan Gumander sa Lanao del Sur – at sinusuri sa kasalukuyan ang katawan nito upang mabatid kung ano ang kanyang ikinamatay.
Napag-alaman sa awtoridad na may kaso ito at pinaghahanap ng pulisya dahil sa arrest warrant na inilabas ni Judge Romeo Descallar, ng Regional Trial Court Branch 20 sa Pagadian, ayon kay Chief Insp. Rpgelio Alabato, ang regional police spokesman.
Lumubo na rin ang katawan ni Badar ng ito’y matagpuan sa karagatan at suot nito ang isang t-shirt at camouflage na short pants. Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang pamilya nito ukol sa kanyang sinapit.
Hindi pa mabatid kung ito ba ay pinatay at saka itinapon sa dagat. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper