BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Kelot na wanted, natagpuang patay sa Pagadian
February 13, 2016
Batang paslit, ginahasa ng 15-anyos
February 14, 2016
Show all

ZAMBOANGA CITY – Isang ginang na nagtapang-tapangan sa kanyang asawa ang nataga sa balikat matapos na magkasagutan ang dalawa sa bayan ng Katipunan sa Zamboanga del Norte province.

Masuwerte na lamang umano at hindi napuruhan ng husto si Aniceta Gunong, 49; sa tinamong sugat ng tagain ito kamakalawa ni Dario Gunong, 58, na noo’y lasing. Kinompronta umano ni Aniceta ang lalaki dahil sa lasing ito, ngunit nauwi sa tarayan ang pagtatalo at bumunot ng itak si Dario at saka tinaga ng isang beses ang biktima.

Mabuti na lamang at agad naisugod sa pagamutan ang babae bago ito tuluyang mauubusan ng dugo. Nadakip rin ng pulisya si Dario, ayon kay Chief Insp. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman.

“Suspect was successfully arrested by responding PNP personnel of Katipunan at his residence and recovered from the suspect’s possession was one bolo,” ani Alabata.

Nahaharap sa kasong kriminal ang lalaki. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

1,143 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer