PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Nov. 22, 2013) – Isang bading ang natagpuan patay at nakabigti sa kuwartong inaarkila sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur province.
Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si Jordan Bayangos, 22, at isang umanong make-up artist. Nabatid sa pulisya na mismong panali ng kanyang aso ang ginamit nito sa pagbibigti sa kanyang lugar sa Purok Sweet Rose sa Barangay Dumagok.
Residente umano ng Purok Bougainvilla sa Barangay Tawagan Sur si Jordan at pansamantalang naninirahan sa kuwarto sa Barangay Dumagok.
Ayon sa mga kapit-bahay ng biktima ay ilang araw na umanong balisa ito at mukhang depressed at maaaring ito ang nagtulak kay Jordan na magpatiwakal. Hindi naman agad makunan ng pahayag ang pamilya ng biktima. (Mindanao Examiner)