NORTH COTABATO —Sa kalaboso ang bagsak ng dalawang mga armadong kalalakihang may dalang di mga lisensiyadongbaril ng mahuli sa highway check sa COMPAC na nasa Mapanao Extension, Purok National, Poblacion, Kabacan, North Cotabato, linggo ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jolhamin Maguid Palalisan, 27-anyos at John Akas Palilisan, 21-anyos kapwa residente ng Sitio Palalisan, Brgy. Layog, Pagalungan, Maguindanao.
Batay sa ulat ni PCI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP nadakip ang dalawa ng ikasa ng mga otoridad ang highway checkpoint sa COMPAC na nasa Mapanao Extension, Purok National, Poblacion ng nasabing bayan alas-9:10, kagabi.
Nakuha sa dalawa ang dalawang kalibre .45 na pistola, mga magazine na may lamang mga bala.
Ang dalawa ay nakapiit na ngayon sa Kabacan PNP lock up cell at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila na paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms. Rhoderick Beñez