Ayon sa pulisya, nakunsensya umano si Jaime Panerio sa kanyang nagawa kung kaya’t nag-desisyong sumuko.
Nabatid na naganap ang krimen sa Sitio Lower Pogpog sa Barangay Sibulan nitong Abril 1 lamang. Si Panerio ay residente ng Barangay Tinongtongan sa bayan ng Bansalan at selos ang umano ang ugat ng krimen.
Kinilala naman ng pulisya ay mga biktima na sina Mitchie Panerio, 28, isang magsasaka; at Elmon Galugas, 31. At batay sa inisyal na pagsisiyasat, ang mga biktima, kasama ang kanilang mga kaibigan, ay masayang nag-iinuman sa bahay ng suspek na noon ay wala doon.
Habang nasa kalagitnaan ng pagiinuman ang mga biktima ay biglang dumating ang suspek at sinipa nito ang pintuan at ginulpi ang dati nitong kasintahan na si Judecel Avergonsado na naroon rin. Hindi pa nasiyahan sa ginawa ay bumunot pa ito ng .357 Magnum revolver at binaril si Galugas at ang nakababatang kapatid.
Ayon kay Captain Mary Grace Martinez, hepe ng pulisya, isinugod pa sa pagamutan ang mga biktima, ngunit patay na ang mga ito. Swerteng nakaligtas si Avergonsado. Nahaharap ngayon sa kasong kriminal si Panerio. (Rhoderick Beñez)
Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us. BPI: 952 5815649 (BOPIPHMM) Landbank: 195 113 9935 (TLBPPHMM)