Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Sariling bahay sinunog ng kelot matapos na iwan ng waswit!

Sariling bahay sinunog ng kelot matapos na iwan ng waswit!

Editor December 13, 2012
Fire

CAGAYAN (Mindanao Examiner / Dec. 13, 2012) – Sinunog ng isang magsasaka ang sariling bahay sa bayan ng Abulug sa Cagayan province matapos na tumanggi ang asawa nitong umuwi dahil sa kanilang alitan.

Nabatid sa pulisya na nilayasan ng kanyang asawa si Federico Baro, Sr. matapos ng mainitang pagtatalo. Umuwi umano ang babae sa bahay ng mga magulang upang doon magpalipas ng sama ng loob.

Pinilit pa umanong suyuin ni Federico ang asawa at nakipag-inuman pa sa kanyang biyenang lalaki sa pag-asang makakatulong ito upang muling hikayatin ang babae na sumama sa kanya sa pag uwi.

Ngunit matigas ang naging desisyon ng babae at dito na nagbanta si Federico na kung hindi sasama ang asawa ay susunugin nito ang kanilang bahay. Sa pagaakalang pananakot lamang ito ay binalewala ng babae ang banta at hinayaan ang asawang umuwing mag-isa.

Nagulat na lamang ang babae ng malaman sa pulisya at mga kapit-bahay na sinunog nga ng kanyang asawa ang kanilang tahanan. Agad rin dinakip ng mga awtoridad si Federico subalit hindi pa mabatid kung magsasampa ng kasong arson ang asawa nito. (Francis Soriano)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Pamilya brutal na minasaker sa Cagayan province!
Next: Brigade commander sa Cagayan sinibak sa puwesto dahil sa NPA ambush

Trending News

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 1
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 2
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 3
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 4
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions Back to School Media Event 6 (1) 5
  • Business

Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions

June 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.