
CAGAYAN (Mindanao Examiner / Dec. 13, 2012) – Patay ang buong pamilya matapos na pasukin ng mga di-kilalang lalaki ang kanilang bahay sa bayan ng Gattaran sa lalawigan ng Cagayan at saka pinagsasasaksak ang mga ito.
Naganap ang karumal-dumal na krimen sa Barangay Mabuno at ayon kay Cagayan Provincial Police Director Sr. Supt. Gregorio Lim ay kanila nang sinisilip ang angulo ng away sa lupain na posibleng isa sa mga motibo sa pamamaslang sa mag-asawang Danny at Reymalyn Baguiwang at kanilang dalawang anak na sina Reydan, 5, at Reymond, 1.
Nabatid rin sa pulisya na ang mga biktima ay ilang araw nang patay ng madiskubre ng mga kapit-bahay. Wala pang inilalabas na suspek ang pulisya sa pagpatay. (Francis Soriano)