Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Mga armas ng yumaong ex-barangay chairman, isinuko sa militar
  • Featured
  • Mindanao Post

Mga armas ng yumaong ex-barangay chairman, isinuko sa militar

Chief Editor June 26, 2018

NORTH COTABATO – Umabot sa 13 matataas na kalibre ng armas at bala ang isinuko ng mga kanaak ni ng yumaong Barangay Tagbac Chairman Reinado Dinampo sa 901st Infantry Brigade sa Barangay Tagbac sa bayan ng Magpet sa North Cotabato nitong Lunes.

Sa naging salaysay ng kapatid ng dating kapitan na si Julie Dinampo Pajati, bago umano ito namatay ay ihinabilin nitong i-surrender sa mga awtoridad ang naturang mga armas. Kinabibilangan ito ng M14, M16, M1 Garand, Carbine, grenade launcher, at .45-caliber pistol at daan-daang mga bala nito na itinago ni Dinampo sa kanilang ancestral house sa naturang barangay.

Ang mga armas na isinuko sa militar. (Kuha ni Randy Patches ng dxND-Radyo BIDA Kidapawan.)

Ayon sa report, na dahil umano sa mga banta mula sa mga New Peoples Army na mahigpit namang pinipigilan ni dating Kapitan Dinampo na makapasok sa kanyang barangay ang naging dahilan kung bakit may armas ito.

Dagdag pa ni Pajati, natatakot narin umano sila dahil sa mga banta mula sa NPA na kukunin ang natitirang mga armas ni Dinampo kaya kanilang itong isinuko sa mga sundalo. Matatandaang Pebrero noong nakaraang taon ng pasukin din ng NPA ang bahay ni Dinampo sa Sitio Pinantao, Barangay Sudapin sa Kidapawan City at kinumpiska ang mga tinatago nitong mga armas.

Maikokonsidera namang mga illegal firearms ang naturang mga armas, ayon pa kay Capt. Randy Llunar, ang Civil Military Operation Officer ng 901st Infantry Brigade. Ayon sa opisyal, walang kakaharaping kaso ang pamilya ni Dinampo dahil sa nag-boluntaryong silang isuko ang naturang mga armas. (Rhoderick Beñez at Mark Anthony Tayco)

 

 

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Sulat gikan sa Davao: ‘Mano-Mano’ Ni Jun Ledesma
Next: Notoryosong kriminal patay sa enkwentro sa Kidapawan City

Related News

BLT-1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

Editor May 22, 2025
DSWD-aids-Filipinos
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

Chief Editor May 21, 2025
Marawi-IDP
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

Chief Editor May 21, 2025

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.