
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Feb. 26, 2012) – Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa nasunog na area sa isang commercial district sa Davao City.
Ayon sa ulat ay natagpuan ang bangkay ni Judith Sabada, 40, sa naturang gusali sa Tiokno Avanue gabi ng Sabado. Nilamon ng malaking sunog ang lugar dakong alas 3 ng hapon at ilang oras rin nakipagtuos ang mga bumbero sa apoy.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa sunog, ngunit sa paunang balita ay posibleng electrical fire ito. Nilamon ng apoy ang 5 kabahayan at halos dalawang dosenang establishment sa lugar.
Kumalat rin sa Facebook ang mga video ng naturang sunog sa Davao City at doon ay makikita kung paanong nilamon ng apoy ang nasabing lugar at ang maiitim na usok na bumalot sa kalangitan doon. (Mindanao Examiner)