
Parang family car ang kinalabasan ng sasakyan ito ng Barangay Tulungatung sa Zamboanga City matapos na gamitin ng isang buong pamilya sa kanilang “window shopping.” (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 7, 2012) – Nagmistulang family car ang isang government vehicle ng Barangay Tulungatung sa Zamboanga City matapos na gamitin ito kahapon ng isang buong pamilya para sa kanilang personal na lakad.
Halos isang oras rin ang ginugol ng 5 na pasahero nito, kabilang ang dalawang bata at isang teenager, ng pumasok sa isang appliance center at motorcycle store. Ngunit wala rin nabili ang mga ito.
Hindi pa mabatid kung ang driver o ang katabi nitong babae ay opisyal ng Barangay Tulungatung at kung bakit gamit ng mga ito ang sasakyan na dapat sana ay “For Official Use Only.”
Ang sasakyan ay isa lamang sa mga ibinigay ni Zamboanga City Congresswoman Maria Isabelle Salazar sa ibat-ibang mga barangay sa lungsod.
Mahigipit na ipinagbabawal ng pamahalaan ang paggamit sa mga sasakyan ng gobyerno para sa mga pribadong lakad. Subali’t talamak sa Zamboanga ang ganitong gawain at maging Sabado at Linggo ay makikita ang mga sasakyan sa ibat-ibang lugar dito – restoran, malls at iba pa. (Mindanao Examiner)