IBINASURA NG SENADO ang nakatakdang halalan para sa Barangay and Sangguniang Kabataan na dapat sana ay sa Mayo 11, 2020 matapos na aprubahan ng mga mambabatas sa ikatlo at huling pagbabasa ng panukalang pagpapaliban ng eleksyon.
Itinakda ang susunod na eleksyon sa Disyembre 5, 2022 matapos tutulan ng mga senador ang original na panukalang gawin ang halalan sa Mayo 8, 2023.
Sa isinagawang botohan, pumabor ang 21 senador, walang tumutol at walang abstentions sa Senate Bill No. 1043 na inisponsoran ni Senador Imee Marcos na kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Marcos ang chairperson ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, at iginiit nito ang pagpapaliban sa halalan ay magreresulta sa P5 bilyon pondo na maaaring gamitin ng ibang ahensya ng pamahalaan.
Suportado rin ni Senate President Tito Sotto at House Majority Leader Miguel Zubiri ang pagpapaliban sa halalan. Kailangan pang ratipikahang ng bicameral conference ng Kongreso ang naturang panukala at isumite ito kay Duterte upang malagdaan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates