Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Batang nagtutulak ng shabu, arestado sa Davao
  • Uncategorized

Batang nagtutulak ng shabu, arestado sa Davao

Editor September 9, 2014
Police-2BFiles

DAVAO CITY – Isang batang paslit sa Davao City ang dinakip kahapon ng mga awtoridad matapos diumano’y mahulihan ito na may dalang shabu na nagkakahalaga ng halos P300,000 sa isang buy-bust operation.

Hindi naman sinabi ng pulisya kung paano nilang naamoy na nagtutulak ng droga ang 12-anyos na batang lalaki na si Celso (hindi tunay na pangalan) na kanilang inaresto sa Magsaysay Avenue matapos itong magbenta ng shabu sa isang undercover agent.

Base sa imbestigasyon, lumalabas na ginagamit ng isang sindikato ang bata sa pagdedeliver at pagbebenta  ng droga na hinihnalang galing pa sa Davao del Norte province. Hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod ng sindikato o kung ilan bata ang ginagamit nito sa ilegal na gawain.

Iniimbestigahan pa ng pulisya si Celso at posibleng maging ang mga magulang ng paslit ay isailalim rin sa pagsisiyasat upang mabatid kung may kinalaman sila sa pagtutulak nito ng droga. Inaasahan na ibibigay rin sa Department of Social Welfare and Development ang bata.

Walang ibang detalye na inilabas ang pulisya dahil sa patuloy pa rin ang operasyon nito upang mabatid kung sino-sino ang nasa likod ng pagkalat ng shabu sa Davao. Matindi ang kautusan ni Mayor Rodrigo Duterte sa pulisya ukol sa kampanya kontra droga. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Zamboanga commemorates deadly rebel attack
Next: ARMM investment reaches record high in 3rd Quarter

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Volvo Construction Equipment Unveils New Generation Excavators in Grand Philippine Launch Volvo5 1
  • Business

Volvo Construction Equipment Unveils New Generation Excavators in Grand Philippine Launch

July 4, 2025
Manifest that dream trip with your Metrobank credit card Metrobank-Travel-Fair 2
  • Business

Manifest that dream trip with your Metrobank credit card

July 2, 2025
Acer and SB19 mark 5 years of collaboration with outstanding achievements SAW-in-Taipei-2 3
  • Business

Acer and SB19 mark 5 years of collaboration with outstanding achievements

July 2, 2025
Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 4
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 5
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.