ZAMBOANGA DEL NORTE – Isang 9-anyos na bata ang umano’y ni-rape ng pipi at binging teenager sa loob mismo ng comfort room ng paraalan ng mga batang may kapansanan o special needs sa bayan ng Sindangan sa Zamboanga del Norte province.
Nahuli rin umano ang 15-anyos na bata at ngayon ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development sa naturang bayan. Ayon kay Chief Insp. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, ay ina-assess na umano ng DSWD ang kaso.
Naganap ang pangagahasa sa paslit sa Sindangan Pilot Demonstration School. Hindi naman agad mabatid kung ano ang nagtulak sa teenager na gahasain ang bata. “The boy was arrested and eventually turned over to municipal social welfare and development while waiting for the assessment whether said child acted with discernment or not,” ani Alabata.
Walang ibinigay na anumang pahayag ang mga magulang ng biktima at ng akusado. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper