BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Tremor shakes Mindanao
September 24, 2016
The Mindanao Examiner Regional Newspaper Sept. 25 – Oct. 2, 2016
September 25, 2016
Show all

Bodyguard ni Governor hinuli ng PDEA

CAGAYAN DE ORO CITY – Isa umanong bodyguard ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri ang dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na masilbihan ng warrant sa kanyang bahay at mahulihan ng ilegal na droga at armas.

Kinilala ang suspek na si Marlou Madrigal na isa rin diumano’y empleyado ng Bukidnon provincial government.

Ayon sa ulat, nagsilbi ng search warrant ang PDEA sa bahay ni Madrigal sa Barangay Labuagon sa bayan ng Kibawe at doon nakita diumano ang 7 sachet ng hinihinalang shabu at isang .45-caliber pistol, mga bala nito at drug paraphernalia.

Nabatid pa na 4 iba pang mga lalaki ang hinuli ng PDEA sa naturang bahay, ngunit hindi naman sinabi ng ahensya kung bakit sila dinampot.

Hindi nagbigay ng anumang pahayag si Zubiri ukol sa alegsayson. Isa si Zubiri sa mga maimpluwensyang pulitiko sa lalawigan.  (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

16,194 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer