Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Dayuhan nabiktima ng 2 babaeng tirador sa mall

Dayuhan nabiktima ng 2 babaeng tirador sa mall

Editor July 20, 2014

 Ang screen shot ng CCTV footage mula sa Facebook page ng Pinoy TV kung paanong ninakawan ng dalawang babaeng may bitbit na payong ang isang dayuhan sa loob diumano ng CD-R Cybergate Mall sa Cebu. 

CEBU – Isang kaawa-awang dayuhan ang nabiktima ng dalawang babaeng magnanakaw sa loob mismo diumano ng CD-R Cybergate Mall dito sa Cebu.

Bagamat nakalusot sa batas ang dalawang babae ay nahuli naman sa surveillance camera ng tindahan ang naturang modus operandi. Sa video clip na naka-post sa Facebook page ng “Pinoy TV today” ay makikita doon kung paanong nilansi ng isang babae ang dayuhan at ng makuha ang wallet sa loob ng bag nito at saka mabilis na lumabas ng tindahan.

“Ingat po tayo sa mga ganitong modus “Payong Gang” lalong-lalo na sa panahon ngayon ng tag-ulan at pwede to mangyari san man tayo magpunta,” babala pa ng Pinoy TV today.

Kaawa-awa naman ang lalaking biktima at nagulat pa ito ng malamang nawala ang wallet sa kanyang shoulder bag at lahat na yata ng bulsa ng pantalon at maging laman ng bag ay inilabas nito sa akalang naroon pa ang wallet.

Naganap umano ang insidente tanghali nitong July 16 lamang. “Please share para lumiit ang mundo ng mga ito at mapanood ng iba…Pinoy TV. Credit (goes) to: Ikwento Mo Kay Delio,” ani pa ng administrator ng Pinoy TV today.

Umani naman ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga netizens na nakapanood ng video clip.

“Ang bilis ng kamay. Kung hindi ko pa inulit (and video) hindi ko makikita. Tsk! Grabe ang mga taong iyan. Sigurado ako may mga pamilya din sila, mga anak, at maatim kaya nilang ipakain sa kanilang mga anak ang pagkain na ipinambili ay mula sa nakaw na pera? Sana naman kung may makabasa nito na gumagawa ng ganyang bagay, aba eh panahon na para magbago kayo. Matakot kayo sa batas, sa langit kung hindi man kayo natatakot sa batas dito sa lupa,” ani Khulet Morgan bilang tugon sa napanood.

Sinabi naman ni James Israel Beltran: “Walang silbi yung CCTV? Dapat meron nanunuod dun sa monitor kung saan naka-attach yung CCTV para kung sakali mang may mawalan eh mahuhuli agad kasi meron nagbabantay. Para saan yung CCTV, mag-record lang ng mga kriminal? Walang kuwenta.”

“Kapal ng mukha, yan ang ipamana niya sa anak niyang dalaga. Nakakahiya kayong mga ina,” wika naman ni Hannah Anne Daguipa sa kanyang post.

“Kawawa naman si Kuya. Grabe at kababaeng tao! Tsk,” ayon naman kay Kaye Amante at ito rin ang sinabi ni Ruby Jaboya sa kanyang post sa Pinoy TV today: “Kawawa naman yung foreigner ata yan si Kuya. Grabe mga magnanakaw na yan.”

Ang Cebu ay pangunahing tourist destination sa bansa at tiyak na magiiwan ng masamang ala-ala ang naganap sa dayuhang biktima nitong krimen. (Cebu Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: President Aquino signs 5 new laws
Next: Philippine court employees stage protest

Trending News

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 1
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 2
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions Back to School Media Event 6 (1) 3
  • Business

Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions

June 26, 2025
Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines Goldwin_and_Francesco_1 .jpeg 4
  • Business

Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines

June 26, 2025
New beginnings: Xiaomi Launches Xiaomi YU7, Xiaomi MIX Flip 2, Xiaomi Pad 7S Pro 12.5, and various AIoT Devices in Beijing MixFlip2-June26-KV1 5
  • Business

New beginnings: Xiaomi Launches Xiaomi YU7, Xiaomi MIX Flip 2, Xiaomi Pad 7S Pro 12.5, and various AIoT Devices in Beijing

June 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.