BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
HOT OFF THE PRESS: The Zamboanga Post July 22-28, 2019
July 20, 2019
Zamboanga City bomber captured!
July 24, 2019
Show all

Dinukot na food attendant, laya na!

NORTH COTABATO – Natagpuan na ang binatang fast food crew na dinukot ng mga hindi pa nakikilalang lalaki sa bayan ng Midsayap sa North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jake Omar Talusan, 20-anyos, taga -Barangay Malingao ng nasabing bayan. Sinabi ni North Cotabato police chief Col. Maximo Layugan na nakita ng mga residente ng Barangay Sadaan si Talusan na nasa loob ng isang sako at iniwan ng isang kulay itim na van sa gilid ng national highway.

Hindi naman sinabi ni Layugan kung ano ang pangalan ng fast food chain ni Talusan maliban sa isa itong attendant doon. Ngunit ayon sa ibang source ay sa Jollibee-Midsayap umano ito nagta-trabaho.

Narinig umano ng mga residente ang sigaw at paghingi ng saklolo ni Talusan kung kaya’t natagpuan ito. Agad naman dinala sa ospital ang biktimang puno ng mga pasa sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Matatandaan sakay si Talusan ng kanyang motorsiklo at tinatahak ang daan sa Barangay Sadaan mula sa mosque nang harangin siya ng mga armadong lalaki at pilit na isinakay sa itim na van nitong Biyernes ng tanghali. Hinala naman ni Col. Layugan, posibling mistaken identity o nakapagkamalan lamang ang binata kaya pinakawalan din ito. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

5,058 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer