
COAL-FIRED power plant firm Alcantara and Sons (SRPI) says there is a strong need for the Zamboanga City Electric Cooperative to improve its collections and technical capabilities and this NEED P900 million! And the electric cooperative seems to agree…aba eh ang kawawa niyan ay ang mga CONSUMERS dahil mangungutang lang ang Zamboanga City Electric Cooperative ng P900 million and then ipapasa nila ito sa mga consumers…
Bantayan natin ang SRPI and Zamcelco at huwag natin payagan na mangutang ang debt-ridden Zamcelco ng P900 million just to satisfy SRPI’s corporate requirements. Hindi dapat diktahan ng SRPI ang ating cooperative!
Ngayon ay panay ang labas ng television at radio ads ng SRPI and Zamcelco about sa “P900-million Enhancement program” to condition the minds ng publiko sa posibleng pag-utang sa banks nito.
Lubog sa utang ang Zamcelco dahil sa mga ibat-ibang alegasyon ng anomalya noon at lahat ng utang na iyan ay ang consumers ang nagbabayad UP TO NOW.
Huwag na natin payagan ang kanilang luho. Mataas na ang rates ng kuryente ngayon sa Zamboanga at ang laki na rin ng “system loss.” Lalong tataas ang rate ng kuryente kung may dirty coal-fired plant dahil kailangan mabawi ng SRPI ang kanilang malaking gastos sa pagtatayo nito. Kaya hindi nila agad magawa ito ay dahil sa Sarangani province nila ibinuhos ang pondo na para sana sa Zamboanga.
Oppose the possible P900-million bank loans ng Zamcelco para sa “enhancement program” na idinidikta ng SRPI.
If the SMART guys in Zamboanga City Electric Cooperative cannot do their jobs effectively to improve collections and services…then they should RESIGN…because POOR CONSUMERS will end up suckers to the dictates of SRPI…
JUST SAY NO TO DIRTY COAL-FIRED POWER PLANT IN ZAMBOANGA CITY…because it is hazardous to human health and environment!
Mayroon offer ang Lim Solar Philippines sa Zamboanga City at katunayan ay nagbigay pa ito ng briefing sa City Council last year upang ipakita ang technology na gamit lamang ay ang mainit na sikat ng araw upang makalikom ng kuryente.
Sinabi pa ng Lim Solar na magtatayo ito ng mga street pole using LED lights on a Build-Operate-Transfer at sa mas mababang halaga compared sa electricity rate ngayon ng Zamcelco.
Maraming offer ang Lim Solar at nakakalungkot isipin na hindi ito nabigyan ng pagkakataon. Sayang ang offer ng Lim Solar. Samantalang ang SRPI ay nabigyan agad ng favorable resolution at nauna pa itong resolution sa public consultations!
Darating ang panahon…kung matuloy ang dirty coal-fired power plant sa Zamboanga at magkaroon ito ng malaking problema sa environment at kalusugan ng mga mamamayan ay walang ibang dapat sisihin kundi ang mga taong nagpursige nito.
Panoorin ninyo ang ang link sa ibaba upang makita ninyo ang epekto ng dirty coal-fired power plant sa kapaligiran.
https://www.youtube.com/watch?v=OFM8rB2cc9Q