Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Duterte, suko na!
  • Featured
  • Mindanao Post

Duterte, suko na!

Chief Editor June 13, 2019

SUKO NA UMANO ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng bansa at nagsisisi ng malaki sa pagtakbo nito bilang Presidente noong 2016. Ayon kay Duterte, matindi umano ang korapsyon sa pamahalaan at isa ito sa mga dahilan kung bakit wala na itong ganang magpatuloy bilang Pangulo at nais na umanong magpahinga.

“Nawad-an ko og ganang motrabaho. Actually, nagmahay gyud ko. Nagmahay ko nidagan ko og presidente,” ani Duterte. Inihalimbawa pa nito ang umano’y korapsyon sa Nayong Pilipino at sa V. Luna Medical Center ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Duterte na pumasok sa isang lease contract ang Nayong Pilipino Foundation Inc. sa Landing Resorts Philippines Development Corp. na subsidiary ng Hong Kong’s Landing International Development Ltd. upang maitayo ang $1.5-bilyong casino resort sa Entertainment City ng wala umanong public bidding. “They allowed a casino to be erected without a public bidding. Nisurop akong dugo. What’s the essence of a casino inside Nayong Filipino? Nganong ibutang nimo diha? How stupid,” wika pa ni Duterte.

At iginiit rin nito ang umano’y matinding katiwalian sa militar matapos na matuklasan ang P17 milyong “irregular deals” sa V. Luna Medical Center. Tinawag ni Duterte na “systemic” ang korapsyon sa militar. Mariin ang pag-amin ni Duterte na hindi na ito nasisiyahan sa kanyang panunungkulan. “Moingon mo karon nga happy ko, ‘di ko mamakak. Nganong mamakak man ko? I don’t have any obligation to you to tell a lie. I’m sick and tired of the system,” sabi pa nito.

Makailang-ulit na rin na sinabi ni Duterte na ito ay pagod at gustong-gusto ng magpahinga, subali’t hindi naman magawa dahil kung ito ay bababa sa puwesto ay si Bise Presidente Leni Robredo ang siyang papalit sa kanya na wala umanong kakayahang dahil sa pagiging mahina at babae nito.

Sa kabila ng reklamo ni Duterte ay maugong naman ang balita sa ambisyon at plano ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo bilang Pangulo sa 2022. Ito rin ang dahilan kung bakit binuo ni Sara ang political party na Hugpong ng Pagbabago at nakipag-alyansa sa iba’t-ibang political parties sa buong bansa at naglagay ng sariling senatorial bets at nagwagi sa nakalipas na halalan. (Mindanao Examiner)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: NBI builds case vs. Kapa founder, Cebu manager
Next: Sabah beefs up security due to Sayyaf threats

Related News

Basilan-Peace-Agreement
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

Editor June 17, 2025
PhilHealth-logo
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

Editor June 17, 2025
Misamis-Drug-Free
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

Editor June 16, 2025

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.