KIDAPAWAN CITY – Binutasan ng gunman ang batok ng isang dating sundalo na nagsisilbing security aide ng isang hukom sa Kidapawan City.
Ayon kay Lt. Col. Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City police, galing umano ng Kabacan ang biktimang si Alwente Tabaosares, 45, na sakay ng kanyang motorsiklo ng buntutan ito ng dalawang lalaking naka-motorsiklo rin at saka ito binaril ng malapitan sa Purok 6 sa Barangay Balindog.
Residente ng Purok 1-A, Barangay Katidtuan sa Kabacan, North Cotabato ang biktima. Naisugod pa sa pagamutan si Tabaosares, ngunit hindi na rin ito naisalba ng mga duktor.
Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay at wala rin pahayag ang pamilya nito sa naganap na krimen kamakailan lamang. Wala rin umako sa pagpatay. (Rhoderick Beñez)
Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us. BPI: 952 5815649 (BOPIPHMM) Landbank: 195 113 9935 (TLBPPHMM)