Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Guro, patay sa bangungot!
  • Featured
  • Mindanao Post
  • National

Guro, patay sa bangungot!

Chief Editor October 8, 2018

KIDAPAWAN City – Hindi na nakapagdiwang pa ng Teacher’s Day ang isang public school teacher matapos na matagpuang patay sa loob ng kanyang silid sa kanilang bahay sa Barangay Buena Vida sa Makilala, North cotabato.

Ayon kay Makilala East District Supervisor Renato Corre, umaga ng Miyerkules ng matagpuan si Abryl Dominado, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar na wala ng buhay.

Ayon sa mga kamag-anak, posibleng nabangungot umano si Dominado ng hindi na ito makagising upang pumasok sa trabaho.

Nabatid na isang araw bago binawian ng buhay ang guro ay hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.

Nakapagpadala pa daw ng text message sa mga kapwa guro si sir Abryl na nagbabati ng maligayang araw ng mga guro, isang gabi bago siya binawian ng buhay.

Sinabi ni Corre na isang malaking kawalan sa sinisilbihan nitong eskwelahan sa Buena Vida Elementary School ang maagang paglisan ni Dominado. Para sa kanyang mga mag-aaral at kasamang guro isang mabait na titser si Sir Abryl.

Bukod sa pagiging guro ay isa ring Pastor si Dominado sa sinisilbihang simbahan. Itinuturing din siyang ‘bread winner’ sa kanilang pamilya.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga school heads, maging ang mga kasamang guro at mag-aaral sa naulilang pamilya ni sir Abryl. (Rhoderick Beñez)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Sulu sea marshal wounded in attack
Next: Punong Barangay sa North Cotabato, patay sa panibagong pamamaril

Related News

Official-Artwork-for-PR2025-14
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

Editor July 1, 2025
Livestock-Aquaculture5
  • National

Innovative Solutions for Sustainable Agri-Fishery: Spotlight on Technology at Livestock and Aquaculture Philippines 2025

Editor June 25, 2025
PCO-SWC1
  • National

PCSO Holds 1st Social Workers Conference to Strengthen Charity Services

Editor June 25, 2025

Trending News

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 1
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 2
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 3
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions Back to School Media Event 6 (1) 4
  • Business

Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions

June 26, 2025
Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines Goldwin_and_Francesco_1 .jpeg 5
  • Business

Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines

June 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.