
SULU (Mindanao Examiner / Aug. 27, 2014) – Pinangunahan kanina ni Gov. Totoh Tan and at Mayor Musah Muksan ang inagurasyon ng gusali ng Sanguniang Bayan sa isla ng Siasi na dinaluhan ng maraming mga residente.
Hinimok ni Gov. Tan ang mga residente at opisyal ng naturang bayan na panatilihin ang magandang isla at magsilbing halimbawa ng pagkakaisa upang sama-samang maisulong ang ibat-ibang programa ng pamahalaang Panlalawigan.
Natuwa naman si Gov. Tan sa dami ng mga taong sumalubong sa kanyang entourage at sa maainit na pagtanggap ng mga residente doon. Lubhang malayo sa Sulu ang Siasi, ngunit isa ito sa pinamalinis at pinakamagandang lugar sa lalawigan.
Nagbigay rin ng kanyang talumpati si Gov. Tan bago inikot ang ibat-ibang lugar sa Siasi kasama si Provincial Engineer Abdurasad Baih at iba pang mga opisyal.
“One storey yun Sanguniang Bayan building at naimbitahan si Governor Totoh sa inauguration nito at maraming ang mga taong sumalubong sa pagdating ni Governor for this special event,” ani Engineer Baih sa panayam ng Mindanao Examiner.
Todo naman ang pasasalamat ng mga residente sa pagtungo ni Gov. Tan sa isla at siniguragong patuloy na susuportahan ang magagandang programa nito sa lalawigan.
Kasama ni Gov. Tan ang ilang mga opisyal ng lalawigan, kabilang sina Board Members Basaron Burahan, Ismun Suhuri Mizer Burahan, gayun rin si Administrator Erwin Tan at iba pang. Naroon rin sina Siasi Vice Mayor Abdel Anni at Siasi Administrator Arthur Muksan bukod pa sa ibang mga opisyal ng nasabing bayan. (Mindanao Examiner)