SULTAN KUDARAT – Hawak ngayon ng mga otoridad ang nasa 32 illegal firearms matapos na boluntaryong isinuko sa militar ng mga residente ng bayan ng Esperanza sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Sinabi ni 2nd Mechanized Battalion commander Lt. Col. Alvin Iyog na isinuko ng mga may-ari ang kanilang mga baril para tuluyan na silang mabura sa watch list ng pulisya. Kaugnay nito, isinagawa ang isang ceremonial turn over ng mga baril sa municipal hall ng Esperanza nitong Enero 11.
Naniniwala si Iyog na magandang simula at halimbawa ito na dapat tularan ng iba pang mga nagmamay-ari ng mga loose firearm lalo pa’t nalalapit na ang midterm elections.
Samantala, pinuri at pinasalamatan naman ni 6th Infantry Division commander Major General Cirilito Sobejana, siya ring pinuno ng Joint Task Force Central Mindanai, ang pagsisikap at pakikipagtulungan ng local government at mga mamamayan nito para maging matagumpay ang programa ng pamahalaan laban sa loose firearms.
Nabatid na umaabot na sa 1,972 illegal firearms ang napasakamay ng militar mula noong simulan ang kanilang kampanya. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates