Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Ina ng Pinoy ‘drug mule’ sa Malaysia, muling umapela kay PNoy
  • Featured
  • Mindanao Post

Ina ng Pinoy ‘drug mule’ sa Malaysia, muling umapela kay PNoy

Chief Editor May 9, 2015

ZAMBOANGA CITY – Sa ikalawang pagkakataon ay muling umapela ang ina ng isang Pinoy driver kay Pangulong Aquino na tulungan silang iligtas ang buhay nito matapos na mahatulan ng kamatayan sa Malaysia dahil sa kasong drug trafficking.

Sinabi ni Teresita Quijano, 78, na inosente ang anak nitong si Jerry, 44, na nahulihan ng 759 gramo ng shabu ng ito’y dumating sa Kota Kinabalu Airport sa Sabah noong Abril 3, 2008. Ayon sa ina, ipinadala lamang sa kanyang anak ang package na may laman shabu at hindi umano nito alam na droga ang laman nito.

Hindi naman sinabi ng ina kung sino ang nagpadala ng package kay Jerry na nahatulan ng kamatayan noong 2010.

Ibinasura na rin korte sa Malaysia noon 2012 ang apela ng mga abogado ni Jerry at ngayon ay naghihintay na lamang kung kalian itatakda ang kanyang kamatayan sa Penjara Kapayan Jail sa  Kota Kinabalu.

Noon 2013 ay umapela na rin si Teresita kay Pangulong Aquino at Bise Pangulo Jejomar Binay, ngunit wala umano itong nakuhang tugon.

Mahigpit ang batas ng Malaysia sa ilegal na droga at maraming mga Pilipino ang ngayon ay nasa ibat-ibang bilanguan dahil sa kasong droga.

Kamakailan lamang ay isang Pinay rin ang nahulihan sa Hong Kong International Airport ng halos 2 kilo ng hinihinalang cocaine at maaaring makulong ito ng habang buhay at magbayad ng multang HKD 5 milyon. Walang death penalty sa Hong Kong na dating nasa British rule matapos na alisin ang capital punishment doon noong 1993.

Bagama’t hindi agad inilabas ng mga awtoridad sa Hong Kong ang pangalan ng 29-anyos na Pinay ay nabawi umano sa kanya kamakalawa ang apat na pakete ng cocaine na itinago sa lining ng kanyang shoulder bag.

Galing sa Maynila ang Pinay, ngunit hindi naman mabatid kung saan nito nakuha o sino ang nagbigay ng droga sa kanya at kung paano ito nakalusot sa inspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport.

Nagduda umano ang mga awtoridad sa Hong Kong International Airport dahil sa kakaibang bigat ng dala nitong shoulder bag at ng dumaan na ito sa inspeksyon ay doon bumulaga ang apat na pakete ng cocaine. Nahaharap ngayon sa kasong drug trafficking ang Pinay.

Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs ukol dito, ngunit ito’y naganap matapos na maudlot sa firing squad si Mary Jane Veloso sa Indonesia na kung saan ito na-sintensyahan dahil sa kasong drug trafficking. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Troops hunt down Sayyaf rebels in Basilan province
Next: 3 sundalo sugatan sa pambobomba sa Maguindanao

Related News

Basilan-Peace-Agreement
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

Editor June 17, 2025
PhilHealth-logo
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

Editor June 17, 2025
Misamis-Drug-Free
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

Editor June 16, 2025

Trending News

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan Basilan-Peace-Agreement 1
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

June 17, 2025
Cargill Strengthens Feed Production in Mindanao with Biotech Partnership Cargill-Biotech-Partnership-Photo 2
  • Business

Cargill Strengthens Feed Production in Mindanao with Biotech Partnership

June 17, 2025
PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care PhilHealth-logo 3
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

June 17, 2025
Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence Misamis-Drug-Free 4
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

June 16, 2025
MMDA launches website for NCAP violations Don-Artes 5
  • National

MMDA launches website for NCAP violations

June 16, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.