Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Inuman nauwi sa trahedya sa Zambo
  • Uncategorized

Inuman nauwi sa trahedya sa Zambo

Editor July 27, 2014
PNP-2-copy2

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / July 27, 2014) – Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang magkaibigan matapos silang barilin at tagain ng itak ng isang grupo ng mga kalalakihan habang nasa inuman sa Zamboanga City.

Ayon sa pulisya, naganap ang atake dakong alas 8.30 ng gabi nitong Sabado sa Wing Go Subdivision sa Barangay San Roque. Nasa kasarapan ng inuman sina Marvin Alvarez, 27, at Kenny Advincula, 25, kasama ang tatlo pang iba ng biglang dumating ang grupo ng mga lalaki na armado ng itak at baril at bigla na lamang silang tinira.

Sa ulat ng pulisya ay tinaga sa leeg at mukha si Marvin, samantalang may tama naman ng bala si Kenny sa kanyang katawan. Matapos umanong atakihin ang dalawa ay mabilis na nagpulasan ang mga kalalakihan at iniwan ang mga duguan biktima. Masuwerte naman nakaligtas ang tatlong kasamahan nina Marvin at Kenny sa atake.

Naisugod sa hiwalay na pagamutan ang dalawang biktima at ngayon ay nasa kritikal na kalagayan pa rin.

Sinabi naman ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na maaring may matagal ng alitan ang dalawang grupo. Nakilala na umano ang nasa likod ng krimen at ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Letters to the Editor: 2014 State of the Indigenous Peoples Address
Next: Kidnapped construction foreman freed in Southern RP

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.