
MANILA (Mindanao Examiner / Apr. 27, 2013) – Patuloy ang pagbuhos ng blessings sa teen star na si Janella Salvador matapos siyang parangalan ng German Moreno Youth Achievement award sa ginanap na 61st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.
Kasabay ng panibagong milestone sa career ni Janella, patuloy naman ang paglipad ng cast ng “Be Careful With My Heart” na sina Richard Yap, Jodi Sta. Maria, Mutya Orquia, Aiza Seguerra, Rosario Carlos at Vivieka Vivieka sa pagsisimula ng kanilang US tour ngayong Mayo 10 sa Los Angeles California, na susundan ng kanilang espesyal na show sa Kissimmee, Florida sa Mayo 12.
Magpapasabog rin ng good vibes ang pamilya ng “Be Careful With My Heart” sa bansang Canada kung saan sila ay bibisita kanilang Pinoy fans sa Edmonton, Alberta sa Mayo 17 at sa Toronto, Ontario sa Mayo 19.