Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Kelot binaril ang live-in dahil lang sa baboy

Kelot binaril ang live-in dahil lang sa baboy

Editor September 21, 2014
PNP-2B2-2Bcopy6

PAGADIAN CITY – Dahil lamang sa isang alagang baboy, binoga ng isang lalaki ang live-in partner na ngayon ay nasa pagamutan pa rin sa Zamboanga del Sur province.

Sinabi ng pulisya na patuloy ang paghahanap sa magsasakang si Junrel Ganub, 28, matapos nitong barilin ng shot gun ang partner na si Mary Joy Portallo, 21, habang nasa kainitan ng pagtatalo sa kanilang bahay sa Barangay Tiguian sa bayan ng Margosatubig.

Nag-ugat ang pagtatalo sa baboy na nais umanong ibenta ni Mary upang may magamit na salapi sa kanilang gastusin, ngunit pinalagan naman ito ni Junrel hanggang sa umabot sa pagtatalo ang usapin.

Dito na umano kumuha ng homemade shot gun si Junrel at saka binanatan sa dibdib ang babae. Agad itong tumakas matapos ng pamamaril. Naisugod naman sa pagamutan ang biktima matapos na humingi ng saklolo sa mga opisyal ng barangay. May tama sa kanyang kanang dibdib ang babae, ngunit hindi pa mabatid ang kalagayan nito.

Nabawi ng mga parak ang 12-gauge shot gun ni Junrel na kargado pa ng mga bala sa talahiban sa likod ng kanilang bahay. Nahaharap sa kasong frustrated homicide si Junrel, ayon sa pulisya. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: ‘Army Gets Custody of Ex-General Linked to Abductions, Killings’
Next: More Filipinos pledge allegiance to IS

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.