ZAMBOANGA CITY – Nahaharap sa kasong kriminal ang isang lalaki matapos na diumano’y pagmalupitan nito ang asawang Malaysiana sa Zamboanga City.
Nailigtas ng mga parak ang dayuhan na nakilalang si Munirah 23; at ang kanyang sanggol na si Putri, mula sa mapang-aping asawa na si Dakula sa Barangay Baliwasan.
Sa reklamo ng Munirah, palagi umano itong pinagmamalupitan ng lalaki kung kaya’t napilitang humingi ng saklolo.
“Munirah, a Malaysian national and her daughter, were rescued from her alleged husband identified as Dakula…who reportedly maltreated her,” ani Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman.
“The case (has been) filed against accused for Violation of Section 5 (E) of RA 9262 after having opted to avail of his rights to preliminary investigation,” dagdag pa ni Samuddin.
Agad rin umanong naghain ng piyansa sa halagang P24,000 si Dakula. Hindi naman sinabi ng pulisya kung legal ba ang pagtira ni Munirah sa Zamboanga. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News