
NANG UNANG ibulgar ni Senador Jinggoy Estrada ang aniya ay 50 milyong pisong suhol sa mga mambabatas para sa pagtatanggal o “impeachment” ni dating “Supreme Court Chief Justice” Renato Corona; kung saan sinabi nito na nanggaling sa “Disbursement Acceleration Program” (DAP) ng mismong si Pangulong Pnoy kasabwat si kasalukuyang “Budget Secretary” Butch Abad.
Nang sumagot ang Malakanyang sinabi nila na ang naturan ay hindi totoo at ang DAP ay naa-ayon anila sa batas o konstitusyon. Totoo rin umano ayon sa ilang mga mahuhusay na malaki ang naitulong ng DAP sa aspetong pag-angat ng ating ekonomiya at nabigyang pansin at pagtuon ang maraming programang inilaan ng administrasyong ito sa sambayanang pilipino.
Papaano po iyan ngayon at mismong ang Kataas-taasang Hukuman na ang nagsabi o nagbigay ng “ruling” sa botong 13-0 na ang DAP ay labag sa konstitusyon at hindi rin naa-ayon ang mga sinasabi ng Malakanyang at mga kaalyado nito sa legalidad nito?
Nakasaad o napapaloob sa mga probisyon ng “General Appropriations Act” (GAA) na batay na rin sa sinabi ng nasabing hukuman na ang anumang “withdrawals” o maging ang “transfer” o pagsasalin sa ibang ahensiya labas sa ehekutibo ng anumang laang pondo o kaya ay badyet ay labag sa saligang batas o konstitusyon maging ang anumang kaugnay na deklarasyon o batas na sinasabi ng ehekutibo.
Hindi rin anang Kataas-taasang hukuman na bigyan ng pondo ang anumang proyekto, aktibidades at mga programang hindi saklaw ng General Appropriation Act maging ito man ay kalabisan o “savings” pa kung walang sertipikasyong ipinagka-kaloob ng “National Treasury” o ang mismong may kontrol sa kaban ng ating bayan.
Sa kaugnay; sinabi rin ni Senadora Mirriam na noon pa man ay tiyak na labag sa batas ang DAP at malinaw aniya na ang pera o pondo mula sa “Budget Department” mula sa naturan ay hindi nakasaad sa aprobadong badyet noon pa mang 2011-2012.
Sa pananaw ng Tagapagsalita ng Kataastaasan hukuman at ng ilan pang may kaalaman sa nasabing batas; malinaw umano ni nilabag ni Pangulong Pnoy ang “Section 25 (5) Article VI ng ating Konstitusyon at ang doktrina o aral na napapaloob sa “Separation of Powers” kaugnay sa pagpapatupad ng “Disbursement Acceleration Program” (DAP).
Sa puntong naturan; sinabi ni Senador Jinggoy na dapat ay magbitiw na si Kalihim Butch Abad kasabay ng pagsuko ng lahat ng mga “records” sa kinauukulan meron sa kanyang Tanggapan kaugnay sa nasabing usapin.Iyan ay sa husga ng nasabing kagalang-galang at pinaka-mataas na hukuman na “unconstitutional” ang “Nationa Budget Circular 541 kasama ang mga kaugnay na ipinalabas hinggil sa usapin ng DAP.
Tila may naulinigan tayong magsasampa ng “Impeachment” laban kay Pangulong Pnoy subalit sa isang ulat naman; sinasabi ng isang Ben Evardone na isang mambabatas at isa pang noon pa man ay “kaalyado” ni Pnoy na hindi anila nararapat ang naturang hakbang. Bakit? Kung ang isyu nga o usaping “Plunder” na wala nga linaw at sinasabi ng ilang “Associate Justices” ng Sandigan Bayan ay minadali umao ng Ombudsman ang pagsasampa ng reklamo at lumalabas ngayon na mahina o kaya”may puwang” ang kaso pabor sa depensa; papaano kaya ang usapin ng Pangulo at kaalyado sa DAP? Ito ba ay ating hahayaan na lamang na lumampas at magkibit balikat tayo dahil lamang sa maaring maganda ang natungong daan subalit labag naman pala sa Saligang Batas o Konstitusyon?
“TUWID NA DAAN”, Kalihim Edwin Lacierda ngayon po kayo sumagot sa usaping iyan at bigyang linaw ang isyung ngayon ay mismong ang Kataastaasang Hukuman na po ang humatol! Hindi po ba kayo ang dapat na maging huwaran at kung kinakailangan ay hindi lamang ang tatlong (3) senador ng Bayan ang hayan at lantarang haharap sa inyong akusasyon. Papaano naman kayo? Libre na lang?
“Uhaw at Gutom” na po ang sambayanang pilipino ng makatuturan, makabuluhan at naa-ayong pagbabago ng ating sistema sa bansa. Ito marahil ang panahon upang ang sambayanan ay manindigan sa ngalan ng dangal ng bansa. Malinaw na malinaw na po sa akin kung ako lamang ang inyong babalingan ng tanong ang itinatakbo ng mga maseselang pangyayari at malinaw na kapag medyo “umaalsa na ang sambayanan” ay siya namang lihis ng kinau-ukulan sa usapin.
Makukulong o magpapakulong din kaya ang mga ito oras na sila naman ang haharap sa prosesong legal? May “gugulong bang ulo” o di kaya ay kusang magbibitiw sa tungkulin sa mga sangkot? ABANGAN! ANG TUWID NA DAAN! VOW!
Hanggang sa muli at naway nabigyan ko naman kayo ng isang bagay na magpapangiti ng inyong araw kasabay ng aking bati ng isang maganda at maka-Diyos na araw sa lahat! (leorose45@yahoo.com.ph)