Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Maguindanao lubog na sa baha; ARMM nasa red alert
  • Featured
  • Mindanao Post

Maguindanao lubog na sa baha; ARMM nasa red alert

Chief Editor August 5, 2015
Maging ang Kidapawan City sa North Cotabato ay binabayo na rin ng malakas na ulan. (Kuha ni Geonarri Solmerano)
Maging ang Kidapawan City sa North Cotabato ay binabayo na rin ng malakas na ulan. (Kuha ni Geonarri Solmerano)

 

MAGUINDANAO – Abala kahapon ang mga miyembro ng Humanitarian Emergency Action and Response Team o HEART ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM sa pagtugon sa tulong na hinihingi ng mga residente sa lalawigan ng Maguindanao matapos na umapaw ang ilog doon at malubog ang maraming lugar dahil sa walang tigil na buhos ng malakas na ulan.

Nasa mataas na alerto na rin ang HEART matapos na ipag-utos ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang puspusang paghahanda laban sa kalamidad dahil sa pagpasok ng bagyong Hanna na lalong nagpalakas ng ulan sanhi ng inter-tropical convergence zone sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sa Datu Piang sa Maguindanao ay tuluyan ng nilamon ng ilog ang mga sakahan doon at nag-ikot na rin ang HEART rescue teams sa bayan ng Datu Montawal at N. Kabuntalan at iba pang lugar upang masigurong ligtas ang mga mamamayan.

Mahigit isang dosenang bayan sa Maguindanao ang apektado ng baha.Maging ang mga paaralan ay lubog na rin sa tubig.Sinabi ni Hataman na inihahanda na nila ang mga relief goods at medical services kung sakaling kailanganin ito.

Ayona naman kay Myrna Jo Henry, ng HEART, ay nasa red alert status na ngayon sila dahil sa mga pagbaha sa ibat-ibang lugar. Kasama si Henry sa mga nag-ikot sa Maguindanao upang matignan ang sitwasyon sa lalawigan.

“On Code Red status na kami ngayon. All ARMM HEART Rescue and Response Teams (are) on 24/7 stand-by at activated na ang Operations Center,” ani Henry.

Sa Cotabato City na siyang kinaroroonan ng ARMM Compound ay baha na rin at suspindido na ang mga klase doon.

Sa kabila naman ng paghahanda ng ARMM at palagi na lamang ganito ang sitwasyon doon sa tuwing may malakas na ulan o bagyo at libo-libong pamilya ang siyang nahihirapan sa kalamidad. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Huge salaries of Philippine diplomats branded as ‘outrageous, scandalous’
Next: TESDA offers free competency assessment, certification in ARMM

Related News

Oamil
  • Mindanao Post

Misamis Occidental inaugurates first modern rice processing facilities with free services for farmers

Editor June 11, 2025
Nutritional-support-1
  • Mindanao Post

Bangsamoro government rolls out food aid for early learners in Lanao Sur

Editor June 9, 2025
Administrative-adoption
  • Mindanao Post

Northern Mindanao records 70 adoptions under new law

Editor June 9, 2025

Trending News

Treat Dad to something nice this Father’s Day Father's-Day 1
  • Business

Treat Dad to something nice this Father’s Day

June 13, 2025
Misamis Occidental inaugurates first modern rice processing facilities with free services for farmers Oamil 2
  • Mindanao Post

Misamis Occidental inaugurates first modern rice processing facilities with free services for farmers

June 11, 2025
Manulife Philippines Broadens Partnership with Haribon Foundation to Plant 15,000 Mangrove Trees in Quezon Province Photo-1 3
  • Business

Manulife Philippines Broadens Partnership with Haribon Foundation to Plant 15,000 Mangrove Trees in Quezon Province

June 11, 2025
Bangsamoro government rolls out food aid for early learners in Lanao Sur Nutritional-support-1 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government rolls out food aid for early learners in Lanao Sur

June 9, 2025
Northern Mindanao records 70 adoptions under new law Administrative-adoption 5
  • Mindanao Post

Northern Mindanao records 70 adoptions under new law

June 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.