BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Police to support Robredo as ICAD co-chairperson
November 8, 2019
Robredo is now ‘Drug Czarina,’ vows to stop killings
November 8, 2019
Show all

May ‘pork barrel’ sa national budget?

HINAMON NI SENADOR Panfilo Lacson ang mga kongresista na isa-publiko ang isinusulong na amendments sa national budget upang mabatid o masigurong wala itong nakatagong “pork barrel.”

Dahil dito ay kaliwa’t-kanan naman ang pambabatikos ng ilang mga mambabatas sa hamon ni Lacson.

“Sa halip na itago, dapat isapubliko ng mga mambabatas ang kanilang isinusulong na amendments sa pambansang badyet para sa susunod na taon, sa pamamagitan ng pag-post nito sa kani-kanilang website,” hamon pa ni Lacson sa mga kasamahan sa lehislatura upang siguraduhing walang pork barrel ang mga pondong nakapaloob sa 2020 national budget.

“We should make everything public. That includes all amendments we submit, whether institutional or individual. We have our own websites, we should use them for this purpose, as I did for the 2019 budget,” paliwanag ni Lacson.

Nakaugalian na ng ilang mambabatas na ibulong na lamang o kaya’y isulat sa napkin ang kanilang individual amendments, at isumite ito sa chairperson ng finance o appropriations committee. Dahil sa kalakarang ito, karaniwang nauuwi na lamang sa bulsa ng mga mambabatas ang malaking bahagi ng pondo para sa mga proyekto na isinulong nila sa pamamagitan ng individual amendments.

Ang institutional amendments ay base sa kahilingan ng mga ahensiya para sa prayoridad na proyekto bukod sa una nilang naisumite. Dumaan ang ganitong klaseng amendment sa pagpaplano at pagsusuri. Ang individual amendments ay isinusulong ng mga mambabatas. Kadalasan, wala silang konsultasyon sa mga implementing agency.

Maaaring ituring na pork barrel ang individual amendments base sa ruling ng Korte Suprema noong 2013, kung saan sakop ang “all informal practices of similar import and effect, which the Court similarly deems to be acts of grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction.”

“Instead of having their amendments undergo scrutiny in floor deliberations, some lawmakers propose their amendments verbally, or even scribble them on napkins,” pagbubunyag pa ni Lacson. Kung lahat ng amendments ay mailalagay umano sa websites, magiging klaro ang mga ito sa publiko at mawawala rin ang pagdududa na nagbubulsa ng pondo ang mga mambabatas.

“Most if all lawmakers have their own websites. Why not post their amendments there, for the public to scrutinize?” tanong pa ni Lacson.

Para sa mambabatas, pinakamainam na magkaroon ng transparency sa paggastos ng pondong nagmumula sa buwis ng publiko dahil ito ay dapat na inilalaan lamang sa mga makabuluhang mga proyekto, ayon kay Lacson.

“The national budget involves the people’s money. It should benefit the people and not a few senators or congressmen or even government officials who implement projects. And the budget is funded by our taxes, as well as borrowings if our tax collections fall short,” wika pa nito. (Mindanao Examiner)

 

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

18,699 total views, 2 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer