KIDAPAWAN CITY – Balak ngayon ng pamahalaang lokal na magluluwas ng mga prutas sa Visayas at sa ibang bahagi ng Mindanao matapos na personal na nakipagpulong si Mayor Joseph Evangelista sa mga opisyal ng Cebu City Agri-business.
Nabatid na may inilaan na rin umanong espasyo sa pamilihan ng Cebu ang Kidapawan Fruit vendors para makatinda ang mga ito ng prutas. Lubos naman ang pasasalamat ng mga opisyal ng Sugbo dahil sa pagluluwas ng mga produkto ng Kidapawan sa Cebu.
Inaasahan ang supply ng maraming prutas sa lungsod sa pagpasok ng buwan ng Agosto. Kaya ngayon pa lamang ay napag-isipan ng city government ang nasabing hakbang at bahagi na rin ito ng timpupo Festival na ipinagdiriwang ng siyudad.
Kabilang sa mga masasarap na prutas mula sa Kidapawan ang Rambutan, Mangosteen, Durian, Marang, Lanzones, pomelo at iba pa. (Rhoderick Beñez)