BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Prutas mula Kidapawan City, planong ibenta sa Cebu
July 12, 2018
Illegal logging, talamak pa rin: DENR
July 12, 2018
Show all

NPA surrenderees, tumanggap ng ayuda

KIDAPAWAN CITY – Nabigyan ng tseke na may halagang tig-P5,000 ang labing anim na mga dating miyembro ng rebeldeng New People’s Army o NPA sa bayan ng Magpet sa North Cotabato province.

Ang mga dating rebelde ay sumuko noong Marso at prenisinta sa katatapos na Municipal Peace and Order Council Meeting ng Magpet nitong Hulyo 11.

Bukod sa financial assistance na ibinigay ng opisina ni Mayor Florenito Gonzaga ay inaasahang tatanggap din ang mga ito ng livelihood assistance mula sa pamahalaannal sa pamamagitan ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Binigyan din sila ni Mayor Gonzaga ng tig-isang kasong bigas. Ilan sa mg dahilan kung bakit sumuko ang mga ito ay dahil sa walang patutunguhan ang kanilang ipinaglalaban.

Una na ring nananawagan si Lt. Col. Elrick Noel Paraso, commander ng 19th Infantry Battalion sa mga NPA na sumuko na at magbalik loob sa pamahalaan. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/

 

 

4,629 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer