Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • MILF handa ng sumabak sa 2016 polls!
  • Uncategorized

MILF handa ng sumabak sa 2016 polls!

Editor December 17, 2014
Wao-2B2-2Bcopy

Mga residente ng Wao sa Lanao del Sur na umaayaw sa Bangsamoro deal sa pagitan ng pamahalaan Aquino at Moro Islamic Liberation Front. (Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)

MAGUINDANAO – Matindi ang paghahanda ngayon ng dating rebeldeng grupo na Moro Islamic Liberation Front para sa pagpasok nito sa mundo ng pulitika at inaasahan na sa susunod na taon ay pormal na itong maghahain ng kanilang political party accreditation sa Commission on Elections bilang paghahanda sa halalan sa 2016.

Sinabi ni Sammy Al-Mansoor, ang MILF Chief of Staff, na ang pangalan ng kanilang partido ay tatawagin “United Bangsamoro Justice Party” na binubuo ng ibat-ibang tribo.

At sa pangalan pa lamang ng partido ay makikitang “hustisya at pagkakaisa” ang siyang minimithi ng United Bangsamoro Justice Party. Naunang nagpa-rehistro ang MILF sa Securities ang Exchange Commission upang mapagtibay ang legalidad nito bago ang nakatakdang pag-rehistro nito sa Commission on Electuions para sa darating na halalan.

“Yun mga lawyers namin ay pina-fine tune pa ang by-laws ng United Bangsamoro Justice Party bago namin itong ipa-accredit sa Commission on Elections and most likely by next year na ito kasi ngayon at busy ang lahat dahil patapos na ang taon,” wika ni Al-Mansoor sa panayam ng Mindanao Examiner regional newspaper.

Handang-handa na rin ang MILF sa transition mula Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa bagong Bangsamoro regional government kung maipapasa at ma-ratipika ang Bangsamoro Basic Law sa mga lugar na nasa ilalim ng ARMM – Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao at Lanao del Sur, kabilang ang lungsod ng Marawi at Lamitan, at iba pang nais na maging kabilang sa Bangsamoro region.

Bagama’t maraming mga pulitiko ang tutol sa BBL sa pangambang mapapasama ang kanilang lugar sa Bangsamoro regional government, sinigurado naman ng MILF na naaayon sa batas ang naturang saloobin ng peace agreement sa pagitan nila at pamahalaang Aquino.

Ngunit maging mga Kristiyano at Muslim, at Lumad sa ilang bahagi ng ARMM ay tutol rin sa BBL at ayaw na mapabilang sa Bangsamoro regional government dahil maganda umano ang kanilang relasyon sa isa’t-isa. May mga reklamo rin mula sa mga Kristiyano sa Lanao del Sur na ngayon pa lamang ay inaagaw na umano ng ilang mga grupong Muslim ang kanilang sakahan dahil ancestral domain umano ito ng Bangsamoro kung kaya’t ang iba ay nag-aarmas na upang maipagtanggol ang kanilang karapatan.

May mga umaalma rin sa BBL dahil sa mga personal na interest sa negosyo at pagaari sa malawak na lupain na dating kabilang sa ancestral domain ng mga Muslim sa Mindanao na noon ay nasa ilalim ng mga sultanate sa rehiyon.

Kailangan maratipika muna ang BBL bago pa man makaupo ang partido ng MILF sa Bangsamoro regional government dahil ito ang naaayon sa batas, ayon kay Von Al-Haq, ang tagapagsalita ng MILF.

Tiniyak rin nito na magkakaroon ng wastong audit sa lahat na maiiwan ng ARMM bago tuluyan pumasok ang Bangsamoro regional government bilang kapalit nito. “Talagang magkakaroon ng audit at normal naman iyan eh,” wika ni Al-Haq.

Malabo na rin na mapasama si ARMM Gov. Mujiv Hataman sa listahan ng mga bagong mamumuno sa Bangsamoro regional government kahit na igiit pa ito ni Pangulong Aquino. “Ibang usapan na yan,” ani Al-Haq ng tanungin ng Mindanao Examiner kung papayag ba ang United Bangsamoro Justice Party na maging caretaker o muling ilagay si Hataman sa Bangsamoro transitional government.

Ito ay matapos na may lumutang na balitang baka italaga ni Aquino ang kaibigan nitong si Hataman bilang caretaker ng Bangsamoro transition government upang maipagpatuloy ang programa at reporma nitong “matuwid na daan.” Ilang ulit na rin sinabi ni Hataman na suportado nito ang BBL.

Sa panig naman ni Al-Mansoor ay sinabi nitong: “Wala kaming naririnig na ganyan.”Ayon pa sa kanya, abala ngayon sila sa United Bangsamoro Justice Party upang mabigyan ng boses ang lahat ng sumusuporta sa Bangsamoro regional government at mithiin ng MILF at mga Muslim sa Mindanao.

Lugmok pa rin ang ARMM sa kahirapan sa kabila ng repormang ipinatutupad ni Pangulong Aquino doon at maraming mga Muslim ang patuloy na nagrereklamo sa kakulangan ng suporta upang mai-ahon ang rehiyon sa kung saan ito ngayon. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Death toll rises to 126 in Taliban-led attack on Pakistan school – Fox News
Next: Pagpagawas sa P5,000 bonus, gimando na ni Aquino

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.