
Ayon sa pulisya ay 11 ang sugatan sa naturang aksidente na naganap sa Barangay Upper La Paz. Maghahatid sana umano ng mga gulay sa palengke ang naturang truck kasama ang mga magsasaka ng mawalan ng kontrol ang driver nito at mahulog sa bangin ang sasakyan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap uoang mabatid ang dahilan ng aksidente na kumitil sa buhay ni Susan Dacpin at batang si Jasmine Mendoza.
Nasa pagamutan pa rin ang karamihan sa mga na-aksidente dahil sa tinamong sugat at pulay sa kanilang katawan. Hindi naman agad nakilala ang driver ng truck na kabilang sa mga sugatan.
Posibleng mahirap sa kasong kriminal ang driver kung tuluyang magsasampa ng reklamo ang pamilya ng mga biktima laban sa kanya, ayon pa sa pulisya. (Mindanao Examiner)