Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Motorsiklo nabundol ng Safari, bata patay; 2 iba sugatan!

Motorsiklo nabundol ng Safari, bata patay; 2 iba sugatan!

Editor July 21, 2014
PNP-2-copy4

TACURONG CITY (Mindanao Examiner / July 21, 2014) – Naging madamdamin at tila tiniyak muna ng isang ina na ligtas ang kaisa-isang anak nito makaraang masagi ng isang humaharurot na sasakyan ang kanilang motorsiklo sa bahagi ng Barangay San Emmanuel dito sa lungsod ng Tacurong.

Ngunit nasawi rin ang isang taong gulang na si Abdulrakman Salaban, samantalang sugatan ang kanyang mga magulang na sina Brando Salaban, 29, at Baidido Salaban, 28. Pawang mga residente ng Datu Paglas sa Maguindanao ang mga biktima, ayon sa pulisya.

Agad umanong isinugod ni Arnold Fernandez, 60, ang driver ng Nissan Safari na may plakang TFN 482, ang mga biktima sa pagamutan. Nabatid sa pulisya na si Fernandez ay ang administrador ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Buluan sa lalawigan ng Maguindanao at nakatira sa Poblasyon 7 sa bayan ng Midsayap sa North Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya ay magkasunod umano ang dalawang sasakyan nang di sinasadyang masagi ng Safari ang motorsiklo ng mga biktima sanhi upang tumilapon ang bata at masagasaan ang mga magulang nito.

Ayon pa kay SP01 Ester Panila, may hawak sa nasabing kaso, ay nasawi ang bata sa kabila ng pagsisikipa ng mga duktor na ito ay iligtas. Sinabi ni Panila na may nagawa na umanong pag-uusap ang mga sangkot sa aksidente at mas malamang aniya na mauwi ang naturang aksidente sa aregluhan. (Rose Muneza)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Homemade bomb disarmed in Sultan Kudarat
Next: Hugpong sa Lumad mag-amoma sa kinaiyahan

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.