Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Muslim na umiinom sa club sinaksak sa Zamboanga
  • Uncategorized

Muslim na umiinom sa club sinaksak sa Zamboanga

Chief Editor July 5, 2015

ZAMBOANGA CITY – Burdado sa saksak ang katawan ng isang Muslim matapos itong tirahin ng isang security guard sa loob mismo ng comfort room ng Fantacy Disco Pub sa Zamboanga City.

Nabatid na ang biktimang si Ismael Sadaddin, 40, ay isa palang kagawad ng Barangay Pangasinan sa bayan ng Bongao sa Tawi-Tawi at umiinom sa naturang club kamakalawa ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ni Bryan Yap, 28, ang comfort room sa club at inundayan ng saksak si Ismael habang umiihi ito. Anim na saksak ang tinamo ng biktima sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Tatakas pa sana umano si Yap, ng Jetski Security Agency, ng ito’y maharang ng mga parak sa labas ng club.

Sinabi naman ng security guard ng club na si Herry Eijansantos ay lumabas na umano si Yap at kinuha ang naka-depositong balisong, at ng malingat ito ay biglang pumasok muli si Yap at binira ang Muslim.

Inamin naman ni Yap ang ginawa at sinabi nito na masama ang tingin sa kanya ni Ismael kung kaya’t binalikan niya ito. Hindi naman mabatid kung bakit pumalya ang security guard ng club na i-report sa pulisya ang pagdadala ng balisong ni Yap sa kabila ng ito’y ipinagbabawal.

Nasa pagamutan pa rin ang biktima. Hindi naman mabatid kung bakit nasa club si Ismael gayun mahigpit na ipinagbabawal sa mga Muslim ang uminom ng alak at pumasok sa mga night club. Natapat pa ito sa Ramadan na kung saan ay dapat nasa ayuno o fasting ang mga Muslim. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: NPA bomb injures 4 Filipino soldiers
Next: Kelot, inireklamo ng Malaysianang waswit sa Zambo

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

PH backs ASEAN-wide visa, eyes tourism boost from unified entry DOT 1

PH backs ASEAN-wide visa, eyes tourism boost from unified entry

May 19, 2025
DBM OKs 16K new teaching positions for SY 2025-2026 DBM-logo 2

DBM OKs 16K new teaching positions for SY 2025-2026

May 19, 2025
Beneficiaries all praises for PBBM’s 4PH housing units 4Ph1 3

Beneficiaries all praises for PBBM’s 4PH housing units

May 19, 2025
Buyers give well-textured P20/kg rice stamp of approval Kadiwa-ng-Pangulo 4

Buyers give well-textured P20/kg rice stamp of approval

May 19, 2025
Oaminals, Team Asenso undefeated, clinch ‘historic’ victory in MisOcc midterm elections Team-Asenso 5

Oaminals, Team Asenso undefeated, clinch ‘historic’ victory in MisOcc midterm elections

May 17, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.