Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • NPA, naglabas ng proof of life sa bihag na police chief
  • Featured
  • Mindanao Post

NPA, naglabas ng proof of life sa bihag na police chief

Chief Editor August 1, 2016
Ang screen shot mula sa video na ipinala ng New People's Army sa Mindanao Examiner Regional Newspaper na kung saan makikita ang prisoner of war na si Chief Inspector Arnold S. Ongachen.
Ang screen shot mula sa video na ipinala ng New People’s Army sa Mindanao Examiner Regional Newspaper na kung saan makikita ang prisoner of war na si Chief Inspector Arnold S. Ongachen.

 

DAVAO CITY – Naglabas ngayon ang New People’s Army ng ikalawang proof of life sa bihag nitong hepe ng pulisya sa Davao Oriental province sa Mindanao habang patuloy naman itong nililitis ng mga rebelde kaugnay sa ibnat-ibang akusasyon.

Ipinasa ni NPA spokesman Rigoberto Sanchez ang video ng prisoner of war na si Chief Inspector Arnold S. Ongachen, ang hepe ng pulisya sa bayan ng Gov. Generoso, na dinukot noon Mayo 29 matapos na lusubin ng mga rebelde ang kanyang himpilan at mahulihan pa diumano ng droga sa kanyang bulsa.

Nasa mabuti umanong kalagayan si Ongachen at kapuna-puna ang makapal nitong bigote at buhok habang nagsasalita sa harapan ng camera. Muling nanawagan si Ongachen na itigil ang rescue operation ng militar sa kanya at posibleng manganib ang buhay nito.

“Ang hiling ko lang po sa AFP ay ihinto na po ninyo ang inyong military operation at bigyang daan natin ang peace talk na matagal nang hinihiling ng mga kababayan natin. Sana po ay pagbigyan natin ang peace talk upang malaman natin at maintindihan kung bakit nakikipaglaban ang mga kapwa natin Pilipino sa ating gobyerno ngayon. Ito po ay matagal ng problema na hindi po naiitindihan ng karamihan sa atin,” sabi ni Ongachen.

Ibinida pa ni Ongachen na bukod sa kanya ay may nakita rin itong iba pang bihag na dinakip ng NPA dahil sa ilegal na droga. At ito rin ang dahilan kung bakit nilusob ng mga rebelde ang nasabing bayan at siya ay dinakip.

“Ayon sa kanila, ang pag-atake ay dahil sa ulat na malala ang droga sa Gov. Generoso at ito ay isa sa kanilang mga tahas, isa sa kanilang mga gawain, ang anti-drug campaign. Noong unang 5 araw ng aking pagkabihag, napansin ko ay may mga tao na naka-kustodiya sa kanila.”

“Ito po pala ay mga user ng shabu na tinutulungan nilang maka-iwas at malabanan ang pagka-addict sa ipinagbabawal na gamot. Kanila po itong pinapakain at inaalagaan hanggang sa masupil na nila ang pagka-addict sa iligal na droga,” pahayag pa ni Ongachen.

Sinabi rin nito na nasa maayos siyang kalagayan at hindi naman sinasaktan ng mga rebelde, at idinagdag pa nitong malaki ang suporta ng komunindad sa mga NPA sa bawa’t lugar na kanilang pinagtataguan.

“Ang mga NPA po ay inaalagaan ako, hindi po nila ako sinasaktan. Simula noong pagkakuha sa akin hanggang ngayon po ay hindi ako nakatikim sa kanila ni pitik sa kamay dahil po sila po ay sumusunod sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and the International Humanitarian Law.”

“Noong una po, akala ko po ay sila po ay mga kriminal, pero noong isinama nila ako doon sa lugar kung saan may komunidad, napasin ko na mahal sila ng mga masa at ipinagkakatiwala ng mga tao ang kanilang mga bahay para sa NPA. Palipat-lipat po kami sa mga bahay sa komunidad at lahat po sila ay malaki ang respeto sa NPA,” ani Ongachen.

Wala naman pahayag ang Eastern Mindanao Command sa proof of life at pahayag ni Ongachen.

Bahala ka sa buhay mo

Naunang ipinaki-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rebeldeng grupo na palayain agad si Ongachen ngunit nagbago ito ng isipan matapos na sabihin ng NPA na may nakumpiska silang sachet ng shabu  sa opisyal. Kinumpirma rin ito ng isang NPA commander kay Duterte ng magkausap sila sa cell phone kung kaya’t sinabi ng pangulo na bahala na ang rebeldeng grupo kay Ongachen.

Iminungkahi pa ni Duterte na may “kangaroo” court naman ang NPA na kung saan ay pedeng litisin si Ongachen. “You have a kangaroo court. Sentence him to 20 years of hard labor,” ani Duterte. “I said I’d be harsh (on illegal drugs). I’m sorry for that guy.”

Isinangkot ng NPA ang opisyal ng pulisya sa ilegal na droga. Inamin ni Sanchez na target nila ang pulisya sa nasabing bayan dahil na rin sa mga sumbong ng publiko ukol sa talamak na pagtutulak ng droga doon. 

“In fact, Red fighters confiscated a sachet of shabu from Ongachenfollowing the raid. Furthermore, poor peasants and Lumads have complained that policemen have long protected the land-grabbing activities of prominent families in the province,” ani Sanchez.

Sinabi pa nitong aatakihin sana ng NPA ang isang shabu laboratory sa Barangay Tibanban ngunit naamoy umano ito ng 28th Infantry Battalion kung kaya’t naunsyame ang plano.

Bukod sa bihag na opisyal, sinabi pa ni Sanchez na nasamsam nila ang 11 automatic rifles at pistols mula sa police armory at napatay rin kinabukasan ng NPA ang mga sundalong ipinadala upang iligtas si Ongachen. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Bill Clinton’s Pennsylvania-Made Shirt Takes Center Stage at Clinton-Kaine Rallies – ABC News
Next: NPA releases another proof of life of captured police chief in Mindanao

Related News

BLT-1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

Editor May 22, 2025
DSWD-aids-Filipinos
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

Chief Editor May 21, 2025
Marawi-IDP
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

Chief Editor May 21, 2025

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.