TAWI-TAWI – Isang malaking pagbabago ang inaasahan sa lalawigan ng Tawi-Tawi matapos na maluklok sa puwesto si Governor Rashidin Matba na nagwagi sa nakaraang halalan.
Tututukan ni Matba ang ekonomiya, turismo at seguridad sa naturang lalawigan na isa sa magagandang lugar sa katimugan ng bansa dahil sa likas-yaman na taglay nito at makulay na kultura.
Sinabi naman ni Wahab Bakil, ang provincial planning and development coordinator, na ngayon pa lamang ay handang-handa na ang administrasyon ni Matba na magpatupad ng ibat-ibang programa sa Tawi-Tawi at kabilang dito ang ibibigay na atensyon sa mga malalayo at mahihirap na barangay na napabayaan noon ng pamahalaan.
Maging ang patubig at mga basic health at infrastructure program ay nakalinya na rin ngayon at suportado ng publiko ang administrasyong Matba.
“Governor Rashidin is already putting everything in place, especially mga ibat-ibang projects niya at solution to address the problems in the poorest barangay such as potable water system and we also take this opportunity to ask the support of the Department of Public Works and Highways and the national government upang mai-deliver ng maayos ang programa ng pamahalaan at kabilang na rin dito ang food security and clean environment at ang lahat ng ito ay nasa basic program ni Governor Rashidin,” ani Bakil sa panayam ng Mindanao Examiner.
Idinagdag pa ni Bakil na lalong palalawakin ang fishing industry sa Tawi-Tawi dahil ang lalawigan ang siyang may pinakamalawak na fishing ground na pangunahing source ng livelihood doon. Magkakaroon rin ng support facility ang lalawigan tulad ng cold storage at marina doon.
Isa rin ang Tawi-Tawi sa may pinakamagandang diving spots sa bansa bukod pa sa mga white sands beaches at resorts na paboritong pasyalan ng mga turista. Naroon rin ang Sheikh Karim-ul Makhdum Mosque na itinayo noon 1380 sa Tubig Bohe sa Indangan sa bayan ng Simunul na isang national shrine at iba pang mga tourist destinations.
“With Governor Rashidin and the magnanimous support of the public, we shall make Tawi-Tawi even more progressive and this is the promise of the good governor and all these for the benefit of our people,” wika pa ni Bakil.
Suporta rin umano ni Rashidin ang pamahalaang Duterte. (Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Share Our News