ZAMBOANGA CITY – Umani ng matinding batikos ang Philippine Long Distance Telecom Company o PLDT mula sa publiko matapos na magkaroon ng paulit-ulit na aberya ang serbisyo nito sa Zamboanga City sa mga nakalipas na linggo.
Maraming beses na nawalan ng linya ang PLDT at maging ang DSL Internet nito ay bagsak rin at ang masakit umano, ayon sa mga negosyante at subscribers ay walang abiso ang kumpanya, at hindi man lamang ibinawas sa billing ang maraming araw na walang itong serbisyo sa Zamboanga.
Sa dami ng mga reklamo sa masamang serbisyo ng PLDT ay maging si Mayor Beng Climaco ay umaksyon na ukol dito. Sinabi ni Climaco na dinala nito sa atensyon ni Manny Pangilinan, ang Chief Executive Officer ng PLDT, ang palpak na serbisyo ng kampanya.
Kamakailan lamang ay 10 oras na walang DSL Internet at linya ang PLDT at binaha rin sa reklamo ang social media mula sa netizens na bumato ng sari-saring mura sa kumpanya.
Idinahilan ng PLDT ang pagkasira ng fiber optic nito sa Zamboanga at kalapit na lalawigan na siyang dahilan ng pagkawala ng serbisyo nito. Noong nakaraang buwan ay ganito rin ang problema ng PLDT, bukod sa pagkabagal-bagal na Internet speed dito.
“The series of service interruptions experienced by the city affects businesses, office and school transactions. It is the thrust of the present administration to develop the city as a site for information and communications technology, to adapt to global developments, and uplift the local economy for the good of its constituents,” ani Climaco. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News