Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Hustisya, sigaw ng pamilya ng pinaslang na si Angelica Fernandez Luzuriaga
  • Featured
  • Mindanao Post
  • National

Hustisya, sigaw ng pamilya ng pinaslang na si Angelica Fernandez Luzuriaga

Chief Editor September 26, 2018

KIDAPAWAN CITY – Humihingi ng hustisya ang pamilya ni Angelica Fernandez Luzuriaga na walang awang pinatay sa loob ng kanyang bahay sa Kidapawan City habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang agad na madakip ang kriminal.

Natagpuang ang duguang bangkay ng 21-anyos na tadtad ng taga sa kanilang bahay sa Purok 7 sa Barangay Lanao. Nagiisa ito sa naturang bahay ng maganap ang karumal-dumal na kirmen, ayon sa pulisya.

Batay sa ulat, alas-7:40 ng gabi ng Setyembre 22 Sabado ng makatanggap ng ulat ang pulisya ukol sa krimen at agad itong tinungo ng mag alagad ng batas. At doon tumambad ang kaawa-awang bangkay ng babae na naliligo sa sariling dugo.

Nagtamo ang biktima ng maraming sugat sa kanyang katawan, partikular sa leeg, balikat at kamay.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na ilang araw na umanong natutulog ang biktima sa kanilang bahay na mag-isa dahil ang kanyang pamilya ay nasa Davao City.

Ayon kay SPO1 Mepeboset Himalaya, ang imbestigador sa kaso, sinira ng kriminal ang kahoy na window grill sa likurang bahagi ng  bahay na siyang ginamit nito upang makapasok.

Sinabi naman ni Supt. Ramel Hojilla, ang hepe ng pulisya, na patuloy ang pangangalap nila ng mga ebidensya sa krimen at mapanagot ang responsable sa kalunos-lunos na sinapit ng biktima.

Una na ring nag-alok ng P100,000 reward ang Kidapawan City government sa makapagturo sa pagkakakilanlan ng kriminal. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/

 

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 72-anyos na retired titser, utas sa stray bullet
Next: Kidnapped Sulu teacher freed

Related News

Official-Artwork-for-PR2025-14
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

Editor July 1, 2025
Livestock-Aquaculture5
  • National

Innovative Solutions for Sustainable Agri-Fishery: Spotlight on Technology at Livestock and Aquaculture Philippines 2025

Editor June 25, 2025
PCO-SWC1
  • National

PCSO Holds 1st Social Workers Conference to Strengthen Charity Services

Editor June 25, 2025

Trending News

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 1
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 2
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 3
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions Back to School Media Event 6 (1) 4
  • Business

Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions

June 26, 2025
Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines Goldwin_and_Francesco_1 .jpeg 5
  • Business

Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines

June 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.